SAWI | 28, patay matapos malunod sa isang canal sa India

India – Patay ang 28 katao matapos malunod sa isang canal sa India.

Sa ulat, binabagtas ng isang pribadong bus kung saan nakasakay ang mga biktima ang isang kalsada nang biglang mahulog sa canal sa bahagi ng Mandaya District sa Karnataka.

Karamihan sa mga biktima ay pawang mga estudyante na pauwi na sana sa kani-kanilang bahay.


Sa ngayon, hindi pa makapagbigay ang pulisya ng eksaktong bilang ng mga nakasakay na pasahero sa bus at hindi pa rin tiyak ang naging sanhi ng aksidente.

Facebook Comments