SAWI | 9 – Patay sa wildfire sa California

22

California – Siyam na ang kumpirmadong nasawi sa wildfire sa California, Usa.

Sa ulat – natagpuan ang huling apat na bangkay sa loob ng isang sasakyan sa bahagi ng paradise.

Bukod dito, dose-dosenang indibidwal pa rin ang pinaghahanap ng mga otoridad.

Pinalikas na rin ang nasa 155,000 residente sa mga lugar na apektado ng wildfire.

Ayon kay Bute County Sheriff Korey Honea – inaalam pa ng lokal na pamahalaan ng California ang kabuuang danyos sa tinaguriang “camp fire” na tumupok sa mahigit 28,000 ektaryang lupain.

Samantala, tiniyak naman ng Department of Foreign Affairs na walang Pinoy na nadamay sa wildfire pero inalerto na sila ni Philippine Consulate General Adelio Cruz.

Facebook Comments