SAWI | Babae, patay matapos pagbabarilin sa isang apartelle sa Caloocan City

40

Caloocan City – Dead on the spot ang isang babae matapos pagbabarilin ng kanyang kasama sa loob ng isang apartelle sa Caloocan City.
Tama ng bala sa ulo ang tinamo ng biktima na nakilalang si Eloisa Sheril Tolentino

Mabilis naman tumakas ang kanyang kasama na nakilalang alyas ‘Aba’ na pangunahing suspek sa pagpatay.

Naganap ang insidente sa loob ng HSRI Apartelle sa Barangay 25 kung saan pumasok ang biktima at ang suspek.

Ilang oras ang nakalipas ay nakarinig ng dalawang putok ng baril ang mga staff ng apartelle kaya agad sila humingi ng tulong sa mga tauhan ng Caloocan Police Community Precinct (PCP) 2 at dito na nakita ang wala ng buhay na biktima.

Facebook Comments