SAWI | Barker, patay sa pananaksak

13

Manila, Philippines – Patay ang isang barker matapos na saksakin sa Bitoon Circle, Commonwealth Avenue, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Oswaldo Buquila na dayo lamang sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, bumili lang ng kape ang biktima sa isang tindahan nang bigla na lamang itong humingi ng tulong matapos na saksakin ng hindi nakilalang suspek.

Tinulungan pa ng mga residente ang mga bitkima at pinaupo habang naghihintay ng masasakyan para dalhin siya sa ospital pero binawian na din ito ng buhay.

Inaalam pa ngayon ng pulisya kung sino ang suspek at kung ano ang motibo nito sa krimen.

Facebook Comments