SAWI | Dalawang batang magkapatid, patay matapos pagsasaksakin ng kanilang ama sa Taguig City

52

Taguig City – Patay ang dalawang magkapatid makaraang pagsasaksakin sila ng sarili nilang ama sa Lower Bicutan sa Taguig City.

Sa ulat, hindi pa rin malaman ng pulisya ang tunay na dahilan kung bakit pinagsasaksak ni Ariston Nacion, 42-anyos, ang kaniyang mga anak na may edad na 13 at 6, sa loob ng kanilang bahay sa Pangilinan Street.

Nabatid na isang tawag ang natanggap ng mga pulis hinggil sa insidente kaya at agad silang rumesponde pero pagdating nila sa lugar ay tinangka ng suspek na undayan sila ng saksak kaya at nagdesisyon ang mga ito na barilin siya hanggang sa mapatay.

Ikinagulat naman ng kaanak ng suspek ang nangyari at sinabing walang bisyo ang suspek at maalaga sa kaniyang anak.

Hinala naman ng otoridad na posibleng hindi nagkaunawaan ang suspek at ina ng mga bata na kasalukuyang nasa Hong Kong kaya nagawa ang krimen.

Facebook Comments