SAWI | Dating pari, patay matapos pagbabarilin sa Masbate

71

Masbate – Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek na responsable sa pagpatay sa isang dating parish priest sa Masbate.

Sa ulat, naglalakad sa highway sa Barangay Tubog sa bayan ng Mobo ang biktimang si Father Aldrin Aganan nang haranging ng riding in tandem.

Agad na pinagbabaril ang biktima at nang makumpirmang patay na ito, mabilis na tumakas ang mga suspek kung saan hindi na naplakahan ang motorsiklo na sinasakyan ng mga ito.

Wala naman nakikitang dahilan ang pulisya sa pagpatay sa pari kaya at nagsasagawa pa din sila ng kaukulang imbestigasyon.

Facebook Comments