SAWI | Isang lalaki na galing lamay, patay matapos pagbabarilin sa Ilocos Sur

35

Ilocos Sur – Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin sa Barangay Lao-Ingen, Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Sa ulat, galing lamay ang biktima na si Narciso Tacsiat nang harangin at pagbabarilin ito ng hindi nakilalang suspek.

Isang tama ng bala sa ulo at dalawa sa katawan ang ikinamatay ng biktima kung saan hinala ng mga pulis na nanlaban pa ito bago tuluyang napatay.

Patuloy naman ang imbestigasyon at inalaam na din ng mga otoridad ang motibo sa krimen.

Facebook Comments