SAWI| Isang magnanakaw, patay matapos manlaban sa mga pulis

29

Cavite City – Patay ang isang magnanakaw matapos manlaban sa mga pulis sa Alfonso, Cavite.

Sa ulat, nakatanggap ng tip ang pulisya kaugnay sa panloloob ng grupo ng magnanakaw sa isang resort kaya at agad silang rumesponde sa lugar.

Nagkasa ng checkpoint ang mga otoridad hanggang sa mapadaan doon ang mga suspek kung saan dito na nagsimula ang bakbakan hanggang sa mapatay ang isang suspek habang nakatakas ang tatlong kasamahan.

Narekober ng mga pulis ang ilang cellphone, relo, at perang nagkakahalaga ng 15,000, gayundin ang isang 38 calibre 45 na baril.

Patuloy na inaalam ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng namatay na suspek at nagkasa na din sila ng manhunt operation para madakip ang mga nakatakas na kasamahan nito.

Facebook Comments