SAWI | Isang nakasakong bangkay ng lalaki na tadtad ng saksak, natagpuan sa Nueva Vizcaya

33

Nueva Vizcaya – Isang nakasakong bangkay ng lalaki na tadtad ng saksak ang natagpuan sa Barangay Lublub, Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya. Labing pitong saksak sa likod ang tinamo ng biktima kung saan may nakapulupot pa na tali sa leeg nito. Ang biktima ay tinatayang mahigit 30-anyos, may taas na 5-foot-4, katamtaman ang pangangatawan at nakasuot lamang ng puting saplot. May tattoo din ito sa kanang balikat na “Jenny,” spider at star habang sa kaliwang balikat ay may naka-tattoo na isang dagger at “Jennifer.”

Facebook Comments