SAWI | Isang police official sa Iligan City, patay sa pamamamaril

Iligan City – Patay ang isang police official matapos na barilin ng hindi kilalang mga suspek sa Zone 4, Barangay Del Carmen, Iligan City.

Kinilala ang biktima na si SPO4 Junas Balbutin, 56-anyos at kasalukuyang naka-assign sa Police Station 1 ng Iligan City Police Office.

Nag-iisang nagsagawa ng morning jogging ang biktima nang sinabayan ito ng naka-motorsiklo na suspek at agad itong pinagbabaril.


Labing isang tama ng bala mula sa kalibre 45 na baril ang siyang tumapos sa buhay ng naturang pulid kung saan tatlong buwan na lamang sana ay tuluyan na itong magreretiro sa serbisyo.

Facebook Comments