SAWI | Isang tatay, patay matapos bugbugin ng sariling anak sa Capiz

Capiz – Patay ang isang tatay matapos bugbugin ng kaniyang anak sa Barangay East Villa Flores, Maayon, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Francisco Dordas, 59-anyos habang ang suspek na anak nito ay si Mark, 27-anyos.

Lasing na umuwi ang biktima at bigla na lamang itong nagwala kung saan nakasagutan nito ang anak na may problema sa pag-iisip.


Sa sobrang kalasingan, hindi na nakapanlaban ang biktima sa kaniyang anak at hinampas pa siya ng matigas na bagay sa kaniyang ulo.

Agad na dinala sa ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival habang nadakip naman ng pulisya ang anak nito.

Facebook Comments