SAWI | Lalaki, natagpuang patay sa loob ng patahian sa Barangay Caniogan, Pasig City

17

Pasig City – Wala nang buhay nang matagpuan ang isang lalaki sa loob ng binabantayan nitong patahian sa Villa Upeng Barangay Caniogan, Pasig City.

Kinilala ang biktima na si Roderick Berania, 34-anyos nagtatrabaho bilang caretaker ng sa nasabing patahian.

Hinala ng mga otoridad na pinasok ng magnanakaw ang binabantayang tahian ng biktima at posibleng lumaban ito sa mga suspek.

Posible din na hinampas siya ng matigas na bagay sa mukha at ulo na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Patuloy ang imbestigasyon hinggil sa insidente, maging sa tunay na motibo ng krimen at pagkakakilanlan ng salarin.

Facebook Comments