SAWI | Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Lapu-Lapu City, Cebu

46

Cebu – Patay ang isang 32-anyos na lalaki matapos na pagbabarilin sa Barangay Pajo, Lapu-Lapu City sa Cebu.

Nakilala ang biktima na si Jose Tukib Zabate na residente ng Barangay Ibo.

Sa ulat, sakay ng tricycle ang biktima kasama ang misis nito nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa tapat ng isang department store sa Quezon Avenue.

Agad na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo na walang plaka kung saan hindi pa din malaman ng mga otoridad ang motibo sa krimen dahil sa hindi makausap ng maayos ang misis ng biktima.

Facebook Comments