SAWI | Lalaki, patay matapos pagbabarilin

14

Antipolo City – Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Sitio Sumilang, Barangay San Jose, Antipolo City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ng itim na motorsiklo ang biktimang si Simplicio Sabandal nang pagbabaralin ng isang hindi pa nakikilalang suspek.

Mismong sa mukha binaril ang biktima na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay habang tumakbo lamang ang suspek papatakas.

Inaalam naman na ng pulisya kung nahagip ng CCTV ang insidente maging ang motibo sa krimen.

Facebook Comments