SAWI | Lalaki, patay matapos saksakin dahil sa masamang tumingin sa Taguig City

Taguig City – Patay ang isang lasing na lalaki makaraang saksakin dahil sa masamang tumingin sa Taguig City.

Nakilala ang 25-anyos na biktima na si Foljhon Fuentes habang naaresto naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek na si Robert Valenzuela.

Sa ulat, kasama nang suspek ang kaniyang nobya ng makabunggo nito ang biktima kung saan nagalit ito dahil sa masamang tingin.


Nauwi sa pagtatalo ang dalawa hanggang sa naglabas ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima.

Paliwanag naman ng suspek, nais lang niyang takutin ang biktima ngunit lalo siyang nagalit nang makita ang ma­lisyosong tingin ng lasing na biktima sa kanyang nobya.

Facebook Comments