SAWI | Lalaki, patay sa pamamaril sa Sariaya, Quezon

34

Manila, Philippines – Sa kabila ng pag-iral ng COMELEC Gun Ban, isa na namang insidente ng pamamaril ang naitala sa Sariaya, Quezon ngayong araw.

Patay matapos tambangan ang biktimang si Wilfredo Osmundo, 53-anyos.

Sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at binabagtas ang kahabaan ng Sitio Manalo sa Barangay Sampaloc Dos nang palitan siya ng riding-in-tandem saka malapitang pinagbabaril.

Bumulagta sa kalsada si Osmundo na tadtad ng tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Isa sa mga suspek ay nakilalang si Raymond Hilieta alyas ‘Emon’.

Patuloy na tinutugis ng pulisya ang kasabwat nito at inaalam na rin ang motibo sa krimen.

Facebook Comments