SAWI | Lider ng Jeepney Drivers and Operators Association, patay sa pamamaril

Malabon City – Nasawi ang lider ng samahan ng mga jeepney driver matapos
pagbabarilin sa Barangay Tinajeros, Malabon City.

Minamaneho lamang ng biktimang si Jerry Adolfo ang kanyang pampasaherong
jeep nang siya ay malapitang binaril sa loob ng tatlong lalaking nagpanggap
na mga pasahero.

Agad tumakas ang mga salarin matapos ang krimen.


Si Adolfo na ang ikalimang lider ng Jeepney Drivers and Operators
Association (JODA) na pinatay sa Malabon.

Facebook Comments