SAWI | Lima patay matapos mag-amok ang isang lalaki sa Zamboanga del Norte

31

Zamboanga del Norte – Patay ang limang tao matapos na mag-amok ang isang lalaki sa Sirawai, Zamboanga del Norte.

Kinilala ang suspek na si Asdal Untong.

Sa ulat, naganap ang insidente sa Barangay Libucon kung saan pinagsasaksak ni Untong ang lima katao kabilang dito ang apat na bata.

Napatay naman ng pulisya ang suspek nang pilitin nitong lumaban habang siya ay aarestuhin.

Hindi pa naman malinaw kung anong dahilan o motibo ng suspek sa krimen kaya at patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.

Facebook Comments