SAWI | Pulis-Marikina, patay sa pamamaril sa Makati City

91

Makati City – Patay ang isang pulis-Marikina matapos pagbabarilin sa parking space sa National Police Commission Building sa Makati City.

Kagagaling lang noon ng biktimang si Police Officer 2 Teejay Valdez sa isang hearing sa NAPOLCOM at pasakay na sana ng kaniyang kotse nang barilin ng tatlong beses sa kaniyang likuran.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa ulo na agad niyang ikinamatay.

Ayon sa pulisya, inaalam na nila ang pagkakakilanlan ng suspek na nakasuot ng itim na jacket at maging ang motibo nito sa pamamaril.

Facebook Comments