SAWI | Pulis, patay matapos pagbabarilin sa Isabela City, Basilan

Patay ang isang pulis matapos na tambangan nang hindi pa nakikilang suspek sa Brgy Menzi Isabela City Basilan kaninang tanghali.

Kinilala ang nasawing pulis na si PO3 Jayton Masong Lagadameo nakatalaga sa Isabela City Police Office.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame mula sa ARMM Police Office, alas-11:45 ng tanghali kanina habang sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima pauwi sa kanyang bahay ay nilapitan ito ng nakamotorsiklo ring mga suspek at agad na pinagbabaril.


Matapos ang pamamaril agad na tumakas ang magkaangkas na suspek.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang isang basyo ng kaliber 45.

Nagsasagawa na follow up operation ang mga pulis upang matukoy ang mga salarin at motibo sa krimen.

Facebook Comments