SAWI | Retiradong pulis na dating tauhan ng isa sa mga narco-generals, patay matapos tambangan sa Pasay City

496

Manila, Philippines – Patay ang isang retiradong pulis na dating tauhan ng tinaguriang narco general na si PCSupt. Joel Pagdilao matapos tambangan sa bahagi ng Mall of Asia sa Pasay.

Sugatan naman ang dalawang kasamahan nito.

Kinilala ni S/Supt. Noel Flores, hepe ng Pasay City PNP ang biktima na si Retired CInsp. Roberto Razon, dating hepe ng Anti-Drug Unit ng Quezon City Police District sa panahon ng dating Direcktor nito na si C/Supt. Joel Pagdilao.

Nangyari aniya ang pag ambudh dakong alas Dose kaninang tanghali sa panulukan ng Diokno Blvd. at Coral Way di kalayuan sa Mall of Asia.

Minamaneho ng biktima ang isang kulay itim na Toyota Vios na may plakang AAY 2359 sa lugar nang tabihan ito ng mga salaring nakasakay ng Motorsiklo saka pinaulanan ito ng bala.

Katatapos lamang umanong mag-inspeksyon ng biktima sa Solaire Resort and Casino kung saan umano nagtatrabaho ito bilang Security Officer at binabagtas ang nasabing lugar nang mangyari ang insidente

Nagtamo ng anim na tama ng bala ng baril si Razon sa kaniyang dibdib, braso at likod na siyang sanhi ng agaran nitong kamatayan habang nakaligtas naman ang dalawang babaeng sakay ng biktima.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa pagkakakilanlan ng mga salarin gayundin sa motibo ng mga ito sa krimen.

Facebook Comments