SAWI | Sundalo, patay matapos makasagupa ang ASG sa Patikul, Sulu

157

Sulu – Patay ang Isang Sundalo matapos makasagupa ang nasa 30 miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Barangay Bungkaong, Patikul, Sulu noong Biyernes.

Kinilala ang sundalo na si Corporal Herald Tomas Marayag.

Naisugod pa siya sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Hospital pero binawian din siya ng buhay.

Ayon kay Western Mindanao Commander Lt. Gen. Arnel Dela Vega – tumagal nang 30 minuto ang sagupaan ng 21st infantry batallion sa mga miyembro ng ASG sa ilalim ni Almujer Yadah.

Nakumpiska naman sa mga ASG ang isang M14 rifle, tatlong magazine at bandolier ng mga nakatakas na bandido.

Nakatakdang iuwi ngayong umaga ang labi ni marayag sa San Guillermo, Isabela.

Facebook Comments