SAWI | Suspek sa pagpatay sa dean ng College of Medicine sa University of Perpetual Help, patay matapos mang-agaw ng baril

300

Las Piñas City – Patay matapos na mang-agaw ng baril sa isang pulis ang isa sa mga suspek sa pagpatay sa dean ng College of Medicine sa University of Perpertual Help na si Dr. Harivelle Charmaine Hernando.

Naaresto ang 38-anyos na suspek na si Rodelio Laba dahil sa reklamong illegal possession of firearms.

Habang sakay sa police mobile para ipa-medical, bigla umanong inagaw ni Laba ang baril ng police escort sa bahagi ng Zapote Road, Pamplona sa Las Piñas.

Dahil dito, napilitang magpaputok ang mga pulis na ikinasawi ng suspek.

Bukod sa kasong pagpatay kay Dr. Hernando noong May 11, si Laba ay may record din ng robbery at illegal drugs.

Facebook Comments