SAYANG | Luxury sports car na binili noong Biyernes, wasak kinabukasan

Luhaan nga ang isang Virginia man matapos na mawasak ang kanyang kotse isang araw lang matapos niya itong bilhin.

Naglaho nang parang bula ang McLaren 720S ng hindi pinangalanang lalaki na nagkakahalaga pa naman ng 300,000 dollars o katumbas ng 16-million pesos.

Ayon sa Fairfax County Police Department, nag-over speeding ang driver dahilan para mawalan ito ng kontrol sa pagmamaneho saka sumalpok sa puno.


Sa lakas ng impak, nayupi ang kotse habang maswerteng minor injuries lang ang tinamo ng driver.

Ang McLaren 720S ay isang luxury sportscar na binigyan ng 5-star rating ng sikat na automobile magazine na auto car.

Facebook Comments