SBP, wala pa din napipiling head coach ng Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup Qualifers

48

Wala pa ring napipiling head coach ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) upang gabayan ang national squad sa pagsabak sa second window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

Unang nagkaroon ng option ang SBP na kunin ang serbisyo ni Coach Alex Compton na tumayong Lead Deputy Coach ni Gilas Head coach Mark Dickel pero bumalik na ito kasama ang buong pamilya sa Amerika noong buwan pa palang Agosto at wala ng planong bumalik ng Pilipinas.

Dahil dito, wala pa rin mahanap na head coach ng Gilas Pilipinas ang SBP lalo na’t si Dickel ang siyang team consultant ng TNT Tropang Giga sa pagsabak nila sa PBA kung saan hindi papayagan ang kahit sinong bumalik sakaling lumabas na ng Clark bubble.

Ang second window na bubble type format ay magaganap sa buwan ng Nobyembre at bukod sa walang mahanap na head coach ng Gilas, hirap din ang SBP na kumuha ng mga players na kukumpleto sa line-up ng national squad.

Facebook Comments