SBP, wala pang napipiling head coach ng Gilas Pilipinas na sasabak sa 2021 FIBA Asia Cup qualifiers 

31

Wala pa rin napipiling head coach ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) para gabayan ang Gilas Pilipinas sa pagpapatuloy ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers. 

Nabatid na hindi pu-pwede si Gilas Interim Coach Mark Dickel dahil makakasama siya ng TNT Katropa sa Clark bubble bilang consultant. 

Maging ang mga naging assistant coaches ng Gilas sa laban nila kontra Indonesia partikular si Coach Topex Robinson na Head Coach na ng Phoenix Super LPG habang si Sandy Arespacochaga ay Deputy ni Yeng Guiao sa NLEX. 

Hindi pa naman mapagdesisyunan ni SBP President Al Panlilio kung sino ang magiging coach ng Gilas kung saan napag-alaman na tanging si dating Alaska Head Coach Alex Compton lang ang available sa susunod na window ng FIBA Asia Cup qualifiers. 

Facebook Comments