SC, nagtalaga ng mga miyembro na magrerebisa sa rules of court

50

Manila, Philippines – Nagtalaga ang Korte Suprema ng karagdagang miyembro ng komite na magrerebisa ng rules of court.

Kabilang sa mga itinalaga sina Justice Maria Filomena Singh ng Court of Appeals at Judge Jose Lorenzo Dela Rosa.


Makakasama nila sina Justices Diosdado Peralta, Francis Jardaleza, Benjamin Caguioa at Alexander Gesmundo.

Obligasyon ng nasabing komite na paghusayin pa ang rules of court na batayan kung paano gagampanan ng mga mahistrado at ng mga hukom ang kanilang tungkulin.

Kasama rin sa komite si Justice Secretary Menardo Guevarra, Philippine Judicial Academy Chancellor, Vice Chancellor at tatlong law professors.

Facebook Comments

From Advertisers