Scammer na travel agent, arestado sa ikinasang entrapment operation sa Malabon City

Manila, Philippines – Arestado ang isang scammer na travel agent sa ikinasang enrapment operation sa Barangay Acacia, Malabon City.

Nahaharap ngayon sa kasong large scale estafa ang suspek na si Agatha Iris Pederiane, agent sa home base na everything you need travel tours.

Ayon sa isa sa mga biktima, bineripika niya ang pinabook nilang flight sa Cebu Pacific pero wala sa listahan ang kanilang pangalan.


Habang hindi naman nakaalis papuntang hongkong noong Disyembre ang isa pang biktima dahil isang araw bago ang kanilang flight ay sinabi ng suspek na nagkaproblema sa kanilang pag-alis.

Giit naman ng suspek, naipit lang siya matapos siyang takbuhan ng kasamahang agent kaya kinailangan niyang paikutin ang ibinabayad sa kaniyang pera.

Tiniyak naman ng suspek na gumagawa na siya ng paraan para maibalik ang pera ng kaniyang mga kliyente.

Facebook Comments