Scarlet Snow, bagong tourism ambassador ng Pilipinas

48

Napili bilang bagong tourism ambassador ng bansa ang cute na cute na 4-year old social media personality na si Scarlet Snow.

Si Scarlet ay anak nina Dra. Vickie Belo at Dr. Hayden Kho.


Sa Instagram post ni Scarlet kahapon, makikita siyang kasama ni Tourism secretary Bernadette Romulo-Puyat at iba pang opisyal ng Department of Tourism o DOT.

Habang sa post ng kalihim, makikita ang kanilang handshake at sabay na pagbigkas ng tourism tagline na “It’s More Fun in the Philippines”.

Si Scarlet Snow ang pinakabatang tourism ambassador ng bansa.

Nauna nang itinalaga bilang tourism ambassador ng bansa ang aktres na si Dimples Romana at Canadian vlogger na si Kulas Jennerman para ibida ang magagandang atraksyon sa Pilipinas.

Facebook Comments

From Advertisers