Schedule at format ng susunod na season ng NBA, hinati sa dalawang bahagi

37

Inanunsiyo ngayon ng National Basketball Association (NBA) ang structure at format ng 2020-2021 season kung saan hinati nila ito sa dalawang bahagi.

Ang schedule ng first half ay magsisimula ng December 22, 2020 hanggang March 4, 2021 habang ang second half ay mula March 11 hanggang May 16, 2021.


Ang All-Star break ay gagawin sa March 5 hanggang March 10, 2021 kung saan ang play-in tournament ay May 18 hanggang 21 bago ang playoffs sa May 22 hanggang July 22, 2021.

Ang bawat koponan sa mula sa East at West ay maglalaro ng 42 games sa kani-kanilang conference at 30 games naman sa bawat team sa kabilang conference.

Facebook Comments