Schedule ng susunod na Bar Exam, inilabas na ng Korte Suprema

27

Hindi na muna matutuloy ngayong taon ang taunang Bar Examinations na kalimitang ginagawa sa buwan ng Nobyembre.

Sa anunsyo ng Office of the 2020-2021 Bar Chairperson na pirmado ni Associate Justice Marvic Leonen, inanunsyo nito na sa Nobyembre na ng susunod na taon gaganapin ang Bar Examinations.

Ayon sa Supreme Court, iaanunsyo na lamang nila kung kailan o anong mga petsa gagawin ang pagsusulit at kung saan ang magiging venue.

Una nang sinabi ng Korte Suprema na dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 sa bansa, hindi muna matutuloy sa darating na Nobyembre ang 2020 Bar Examinations.

Sa mga naunang anunsyo ng SC, napagkasunduan ng en banc na ang susunod na BAR Examinations ay gagawin sa Maynila at Cebu City.

Facebook Comments