Schedule ng vaccine rollout, wala pang petsa – DOH-NTF

46

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) at National Task Force against COVID-19 (NTF) na inaasahang darating sa bansa sa mga susunod na araw ang Sinovac vaccines.

Paglilinaw ito kasunod ng mga ulat na magsisimula ang National Immunization Program sa March 1.


Sa statement, sinabi ng DOH at NTF na nakabinbin pa ang distribution ng mga Chinese vaccines dahil ang actual rollout schedule ay nakadepende sa magiging rekomendasyon ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG), na aaprubahan naman ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Kailangan pang isapinal ang mga detalye hinggil sa rollout ng 600,000 donated Sinovac vaccines.

Ang arrival ceremony ay gaganapin sa Villamor Airbase sa Pasay City.

Facebook Comments