Scholarship program ng Quezon City-LGU ngayong school year, binuksan na sa mga interesadong estudyante

400
Courtesy: Quezon City Government

Tatanggap na ng scholarship application ngayong buwan ng Agosto ang Quezon City-Local Government para sa QC Scholarship Program ngayong academic year 2021-2022.

Sa inilabas na abiso ng Quezon City Youth Development Office (QCYDO), pinapayuhan ang lahat ng interested applicants na magreshistro sa QC E-services at mag-apply ng QCitizen Identification Card.


Ayon sa QC-LGU, ang QCitizen ID ay isa sa mahalagang requirement na hinihingi sa mga aplikante para sa scholarship program.

Inaabisuhan ang lahat ng estudyante na magiging updated lamang sa QCYDO official Facebook page para sa ilalabas pang anunsyo ng schedule ng scholarship application.

Facebook Comments