School break sa public schools, itinakda ng DepEd sa March 15

326

Magsisimula sa March 15 ang semestral break ng mga estudyante sa basic education sa mga pampublikong paaralan.

Batay sa inamiyendahang school calendar at activities para sa School Year 2020-2021, ang In-Service Training (INSET) sa mga guro ay itinakda sa March 15 hanggang 19.


Ang mga guro ay inaasahang dadalo sa isang professional development program na inorganisa ng mga paaralan at ng Department of Education (DepEd).

Mabibigyan din ang mga estudyante ng panahon na makumpleto ang kanilang academic requirements.

Nagsimula naman nitong March 1 at magtatagal ng March 12 ang intervention at remediation activities para sa mga estudyante.

Ang 3rd Quarter Period ay magsisimula sa March 22 hanggang May 15 habang ang 4th Quarter ay sa May 17 hanggang July 10, 2021.



Facebook Comments