School principal nakuryente sa brigada eskwela, patay!

180

Agusan del Sur, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng isang school principal matapos itong makuryente sa kasagsagan ng Brigada Eskwela sa kanilang paaralan ala una ng hapon, Mayo 20.

Kinilala ni PCI. Sandro Santillan, Hepe sa San Francisco Municipal Police Station ang biktima na si Jossie Germo Dela Cruz, School Principal ng Ormaca Elementary School sa bayan ng San Francisco, Agusan del Sur.


Ayon sa opisyal, nangyari ang insidente habang naglilinis umano ang biktima at pinulot nito ang sobrang wire at ikinabit sa isa pang wire para gawing sampayan sa labas ng paaralan na di alam na nakakabit pala ito sa sa linya ng kuryente dahilan ng insidente.

Naisugod naman sa Doctor’s Hospital ng San Francisco pero dineklarang patay ang biktima.

DZXL558

Facebook Comments