Saturday, September 12, 2026

School shooting incident sa Zamboanga City, sisiyasatin ngayong araw ng Senado; pattern ng mga kabataang sangkot sa krimen, hihimayin

Bubusisiin ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ngayong umaga ang nangyaring school shooting incident sa Ateneo de Zamboanga University Junior High School sa Zamboanga City kung saan partikular na sisilipin ang behavior pattern ng mga kabataang nasasangkot para magawa ang karahasan.

Inihain ni Hontiveros ang Senate Resolution 610 kung saan kasama ang nasabing pinakahuling insidente ng pamamaril sa paaralan sa iimbestigahan.

Nakasaad sa resolusyon ang report na matalino at Roblox fanatic ang estudyanteng namaril sa nasabing eskwelahan at ginamit umano ang baril ng ama na empleyado ng Bureau of Customs.

Hihimayin din ang report na ini-livestream ng bata ang pamamaril at ang nangyaring mabilis na pagkalat nito sa online.

Idiniin ni Hontiveros na kailangang busisiin ang nakababahalang pattern ng seryosong violent activities ng mga bata na posible umanong udyok ng nihilist violent extremism (NVE).

Facebook Comments