Ipinamahagi sa mga Day Care Centers sa Lingayen ang mga school supplies at hygiene kits na magagamit ng mga guro at mga batang mag-aaral.
Nasa tatlumput pito ang kabuuang bilang ng mga day care centers na mapapamahagian ng mga naturang kagamitang habang nasa 1,500 na bilang mga mag-aaral ang makikinabang sa mga ito.
Bukod sa mga ipinamahaging gamit, nagkaroon rin ng oryentasyon sa mga magulang ukol sa paggabay at at kanilang gampanin upang mahubog pa ang kasanayan ng mga anak na nag-aaral.
Magpapatuloy naman ang distribusyon ng mga naturang kagamitan ngayong araw sa iba pang daycare centers sa naturang bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments