School Year 2021-2022, pormal nang itinakda sa September 13 – DepEd

Malugod na inaanunsyo ng Department of Education (DepEd) na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang September 13, 2021 bilang opening date para sa School Year 2021-2022.

Ito ay kabilang sa mga opsyon na inirekomenda ni Education Secretary Leonor Briones.

Nagpapasalamat ang kalihim kay Pangulong Duterte sa pagsuporta sa paghahatid ng dekalidad na basic education para sa nalalapit na school year.


Ang DepEd ay maglalabas ng school calendar para rito.

Umaasa ang kagawaran na patuloy na susuporta ang mga stakeholders habang inihahanda ang bagong hamon sa harap ng pandemya.

Facebook Comments