SDO DAGUPAN, PUSPUSAN ANG PAGHAHANDA PARA SA DALAWANG MALALAKING REGIONAL EVENTS

Puspusan ang paghahanda ng Schools Division Office (SDO) Dagupan City para sa napipintong pagdaraos ng Regional Schools Press Conference (RSPC) na gaganapin sa lungsod sa darating na February 10 hanggang 14 ngayong taon.

Una nang tiniyak ng SDO Dagupan Testing and Sealing Committee ang gampanin ng mga DepEd Officials tulad na lamang ng pagtalima sa mga ibinabang protocol at mga rules and regulations bilang host ngayong RSPC 2025.

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng SDO sa lokal na pamahalaan ng Dagupan upang masiguro ang kabuuang kahandaan, seguridad at kapayapaan ng bawat isa.

Samantala, hindi lamang ang RSPC 2025 ang pangungunahan ng SDO Dagupan, maging ang Regional Festival of Talents o RFOT 2025, hatid ang iba’t-ibang mga aktibidad na magbibigay kasiyahan sa mga kalahok mula sa buong Ilocos Region. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments