Sea turtle sa Thailand – nakalunok ng higit 900 piraso ng barya

40
Aabot sa siyamnaraan at labinlimang (915) barya ang natagpuan sa loob ng tiyan ng isang 25-years old na sea turtle sa Thailand.

Ayon sa mga doktor, nakita na lamang nilang iregular ang paglangoy ng pagong na si “Omsin” na ang ibig sabihin ay piggy bank sa salitang Thai.

Napagalamang nalunok ng pagong ang mga baryang itinatapon ng mga turista sa anila’y wishing pool na nilalanguyan nito.

Tinatayang nasa limang kilo ang bigat ng mga baryang nalunok ni Omsin.

Naging matagumpay naman ang operasyon sa pagong na tumagal ng halos pitong oras.

Facebook Comments