Search and rescue operation ng PCG sa isang mangingisda, nagpapapatuloy

Calayan, Cagayan – Patuloy ang ginagawang Search and Rescue Operation ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang mangingisdang nawala sa karagatang sakop ng Calayan, Cagayan.

Base sa imbestigasyon ng PCG, noong Lunes pa pumalaot ang motorbanca na AD Asia na sinasakyan ng biktimang si Edgar Espejo, 37 anyos at hanggang sa kasalukuyan ay di pa rin nakakabalik.

Pahirapan anila ang ginagawang paghahanap kay Espejo dahil pabago-bago ang kondisyon ng karagatan bunsod ng mga pag-ulan.


Kaugnay nito, inalerto na ng PCG ang lahat ng ng kanilang sub-station at nagpakalat na rin sila ng impormasyon kaugnay dito para sa iba pang mga sasakyang pandagat na papalaot malapit sa lugar.

Facebook Comments