Search and rescue operations para mahanap ang limang dinukot na mangingisdang Indonesians, ikinasa na ng AFP

303

Nagsasagawa na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng search and rescue operations para matunton ang kinaroroonan ng limang mangingisdang Indonesians na dinukot ng bandidong Abu Sayyaf nitong nakaraang linggo.


 

Ayon kay Western Mindanao Command Chief Lieutenant General Cirilito Sobejana, pinalaya na ang tatlong dinukot pero may natira pang lima na hinihinalang dinala sa Sulare island o sa parang (place) sa Sulu.

 

Matatandaang huwebes nakaraang linggo nang dukutin ng Abu Sayyaf group ang walong Indonesians habang nasa karagatan ng Sabah Malaysia kung saan agad nakipag-ugnayan ang mga otoridad ng Malaysia sa AFP hinggil sa insidente.

Facebook Comments