Search and rescue operations sa lumubog na barko sa Palawan, ipinagpatuloy ngayong araw ng PCG

88

Ipinagpatuloy ngayong araw ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paghahanap sa dalawa pang marinong sakay ng lumubog na LCT Lady Athena malapit sa Cambari Island sa Araceli, Palawan

Una nang nasagip ng PCG Search and Rescue (SAR) team gamit ang MV Titan, ang 15 crew ng nasabing barko.


Kahapon, pansamantalang sinuspinde ng Coast Guard ang search and rescue operations dahil sa masamang panahon sa lugar.

Kabilang sa missing pa rin hanggang ngayon ang master at chief engineer ng barko.

Nasa maayos namang kalagayan ang mga nailigtas na crew at sila ay dinala sa Coast Guard Sub-Station sa Araceli, Palawan.

Ang LCT Lady Athena ay lumubog matapos sagupain ng malakas na hangin at malalaking alon.




Facebook Comments