Search and retrieval team sa pinatay na alkalde sa Bien Unido Bohol, may nakitang ebidensiya sa ilalim ng dagat kung saan nangyari ang krimen

81

Cebu – Nakuha ng mga diver ang isang kumot na di umanoy ginamit sa pagbalot sa katawan sa pinatay na alkalde sa Bien Unido lalawigan sa Bohol na si Mayor Gisela Boniel sa pagpapatuloy ng search and retrieval operation ng Lapu-Lapu City Police Office sa Olango channel kahapon .

Ayon kay Police Chief Insp. Junel Caadlawon na siyang nangunguna sa operasyon ng Lapu-Lapu City Police, maitim na ang naturang kumot na nakuha nila sa lalim na 36 na metros sa pagitan ng Caubian islet at Olango island ng Lapu-Lapu.

Ipapadala ng kapulisan ang printed na kumot sa PNP Crime Laboratory para sa karagdagang imbestigasyon kung ito ba ang ginamit sa pagbalot sa katawan ng alkalde at tinapon sa dagat.

Facebook Comments