Sec. Bong Go, nilinaw na hindi sinuhulan si Pangulong Duterte; mga lumabas na balita kanina matagal nang nangyari

66

Nilinaw ngayon ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na walang nagtanggkang manuhol kay Pangulong Rodrigo Duterte na taliwas sa lumabas na balita kanina.

 

Sinabi ni Secretar Go na noon nakatanggap ang Pangulo na isang regalo sa hindi pinangalanang personalidad na nagbigay ng isang kahon na ang akala nila ay alak pero pera para ang laman.

 

Pero sinabi ni Go na nangyari ito noong mayor pa palamang ng Davao City si Pangulong Duterte.

 

Sinabi din ni Go na hindi itinuturing na suhol ang ibinigay noon kay Pangulong Duterte.

 

Matatandaang kinumpirma ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na pinaaaresto ni Pangulong Duterte ang may-ari ng Mighty corporation hindi dahil sa bribery kundi dahil sa Economic Sabotage 

Facebook Comments