Sec. Duque, dapat ding magbitiw sa PhilHealth – Sen. Lacson

307

Manila, Philippines – Kinuwestyon ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang pananatili sa puwesto si Health Secretary Francisco Duque matapos pumutok ang ‘ghost dialysis’ scam sa PhilHealth.

Ayon kay Lacson, kung pinagbitiw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng PhilHealth dahil sa nasabing anomalya, bakit nanatili pa rin sa puwesto si Duque na siyang chairman ng board.


Kung hindi aniya ito selective justice ay hindi na nito alam kung ano ang itatawag dito.

Matatandaang 2004 nang masangkot rin si Duque sa eskandalo noong chairman ito ng PhilHealth.

Facebook Comments

From Advertisers