Sec. Duque, magpapaturok ng AstraZeneca vaccine

50

Nakatakdang turukan ng gawa ng British firm na AstraZeneca si Department of Health Secretary Francisco Duque III.

Ayon kay Duque, puwede ang AstraZeneca na maiturok sa mga senior citizens na kagaya niya.


Aniya, kaya siya magpapabakuna ay dahil humaharap siya sa mga pasyente at nag-iinspect ng mga healthcare facilities, mga hospital, mga temporary treatment at monitoring facilities.

Una nang sinabi ng DOH na hindi tuturukan ng bakuna ng Sinovac si Duque dahil sa age restriction sang-ayon sa rekomendasyon ng Food and Drug Administration (FDA).

Facebook Comments