Sec. Duque, nagpapasalamat sa naging serbisyo ni Morales sa PhilHealth

92

Nagpapasalamat si Health Secretary Francsico Duque III sa serbisyong ibinigay ng nagbitiw na si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President and CEO Ricardo Morales.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nauunawaan ni Duque ang kalagayan ni Morales.

Nagtrabaho aniya nang maayos si Morales at naibigay ang mga pangangailangan sa pamagitan ng PhilHealth.

Aniya, tinatanggap ni Duque ang pagbibitiw ni Morales bilang Chaiperson ng PhilHealth Board.

Hinihintay rin nila ang pinal na desisyon ng Office of the President hinggil dito.

Nabatid na sumasailalim sa chemotherapy si Morales dahil sa kaniyang Lymphoma.

Bukod kay Morales, nagbitiw rin sa kaniyang puwesto si PhilHealth Senior Vice President for Legal Sector Rodolfo Del Rosario.




Kapwa tiniyak ng dalawang resigned PhilHealth officials na patuloy silang makikipagtulungan sa mga imbestigasyon.

Facebook Comments