Sec. Duque, nagpasalamat kay Pangulong Duterte sa patuloy na pagsuporta

41

Pinasalamatan ni Health Secretary Francisco Duque III si Pangulong Rodrigo Duterte sa patuloy na pagtitiwala sa kaniya.

Nabatid na iginiit ni Pangulong Duterte na wala siyang nakikitang batayan para sibakin sa puwesto si Duque.

Ayon kay Duque, kumpiyansa siya na magagawa niyang linisin ang kaniyang pangalan mula sa mga alegasyong may kinalaman sa mga anomalya sa PhilHealth.

Dagdag pa ng kalihim, patuloy na nagtitiwala ang Pangulo sa kaniyang katapatan at integridad.

Hindi rin aniya naniniwala ang Pangulo na may ginawa siya para lokohin ang gobyerno.

Aminado si Duque na ikononsidera din niyang mag-resign.

Gayumpaman, nangako si Duque na makikipagtulungan sa mga imbestigasyon at iginiit na wala siyang kinalaman sa Interim Reimbursement Mechanism (IRM) ng PhilHealth.




Facebook Comments