Sec. Duque, pahaharapin din sa imbestigasyon ng Kamara sa PhilHealth

97

Ipinapasama na rin sa iimbestigahan ng Kamara tungkol sa anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) si Health Secretary Francisco Duque III.


Giit ni ACT-CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo, dapat na paharapin sa pagsisiyasat ng Mababang Kapulungan si Duque na siya ring tumatayong Chairman ng PhilHealth Board of Directors.

Nais matiyak ng kongresista na mapanagot si Duque kaugnay sa patuloy na mga nangyayaring iregularidad sa PhilHealth.

Bukod sa Senado at Kamara ay dapat ding silipin ng Office of the Ombudsman ang papel ni Duque sa mga anomalya sa PhilHealth na matagal nang nagaganap bago pa man ang pandemic.

Samantala, inirekomenda naman ng mambabatas na isailalim sa hospital arrest si PhilHealth President at CEO Ricardo Morales na iniinda ngayon ang sakit na lymphoma.

Facebook Comments